9327 63 Avenue NW, Suite 205, Edmonton, AB T6E 0G2

Tel.Nos. (780) 807-4743, (587) 778-5512

Abante’s Al S. Mendoza: Organik Pacquiao

ALAB
ni AL S. MENDOZA
ABANTE

Organik Pacquiao

Nasa Los Angeles, California, na ngayon si Manny Pacquiao.  Doon niya tatapusin ang treyning para sa kanyang laban kay Timothy Bradley sa Las Vegas Abril 13 (Manila time).

Matapos ang mahigit isang buwang ensayo sa GenSan, sabi ni Freddie Roach ay “80 porsiyento” na si Pacquiao.

“Tamang-tama lang ang kondisyon niya ngayon,” sabi ni Roach sa Ingles patungkol kay Pacquiao.  “Handa na siya sa mas matinding treyning.”

May bagong diyeta si Pacquiao:  Organik daw ang kanyang mga kinakain ngayon, ayon sa kanyang nutrisyonist na si Cecilio Flores.

Pampalakas daw ng suntok at pampatibay ng resistensiya ang organik na pagkain ni Pacquiao.

Paano na ang nilagang manok at baka na paborito ni Pacquiao?  Maaaring organik ang mga sahog na gulay.  Pero organik din ba ang manok at baka?

Matagal nang organik ang mga gulay at sangkap sa pagluto sa aming bahay.  Ibig sabihin, ang aming mga gulay  ay di palaki ng mga abonong busog sa kemikal.  Puro organik.  Tagalog, kundi man Bisayang, manok ang suki sa kusina.

Si Bradley din daw ay diyetang organik kapag nagtetreyning.  Iyan kaya ang dahilan kaya’t wala pa siyang talo?

Mapanatali ang walang-talong rekord sa 31 laban (12 KOs).  Iyan ang balak ni Bradley.

Mabawi ang koronang inagaw ni Bradley noong 2012.  Iyan ang pakay ni Pacquiao.

Pero organik o di organik, bastat nasa kundisyon si Pacquiao at todo-focus, panalo.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.